Lola, patay matapos mabangga ng motorsiklo sa bayan ng Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Patay ang isang lola matapos mabundol ng motorsiklo sa P-5, Brgy. Bonga bayan ng Bacacay, Albay

Kinilala ang nasawing biktima na si Maximina Baroma Bolaños, 69 anyos at residente ng nasabing barangay, habang kinilala naman ang driver na si Mario Buban Boncodin, may asawa, animnapu’t limang taong gulang at residente ng kaparehong barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng motorsiklo ang daan patungong southbound ng Legazpi City ngunit pagdating sa lugar ay biglang tumawid sa kalsada ang biktima na aksidenteng nabangga ng nasabing sasakyan.

Dahil dito, tumumba ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na dinala sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang biktima upang bigyan ng medikal na atensiyon ngunit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician. Ang driver ay kusang sumuko sa mga otoridad at dinala sa Bacacay MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *