Local News

Lola, patay matapos mabangga ng motorsiklo sa bayan ng Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Patay ang isang lola matapos mabundol ng motorsiklo sa P-5, Brgy. Bonga bayan ng Bacacay, Albay

Kinilala ang nasawing biktima na si Maximina Baroma Bolaños, 69 anyos at residente ng nasabing barangay, habang kinilala naman ang driver na si Mario Buban Boncodin, may asawa, animnapu’t limang taong gulang at residente ng kaparehong barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng motorsiklo ang daan patungong southbound ng Legazpi City ngunit pagdating sa lugar ay biglang tumawid sa kalsada ang biktima na aksidenteng nabangga ng nasabing sasakyan.

Dahil dito, tumumba ang biktima sa sementadong kalsada at nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na dinala sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang biktima upang bigyan ng medikal na atensiyon ngunit idineklara na itong dead on arrival ng attending physician. Ang driver ay kusang sumuko sa mga otoridad at dinala sa Bacacay MPS para sa kaukulang disposisyon.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Buffer Stocks ng NFA sa Camarines Sur, tumaas ng husto sa ₱30 na palay buying price

CAMARINES SUR- Tumaas ng husto ang buffer stocks ng palay ng National Food Authority sa…

20 mins ago

Itinalagang Mangingisdang Direktor nakipagpulong na sa Magsasakang Direktor para pag-usapan ang kanilang pagsanib-puwersa

BNFM Bicol-MATAPOS maipakilala nitong nakaraang araw ang Mangingisdang Direktor na si MD Arnel Bitome opisyal…

23 mins ago

Driver, ginlabo-pilason sa Dumalag

Pilas sa dughan ang naangkon sang isa ka driver matapos ginlabo sang kasubong man nga…

55 mins ago

18 barangay sa Albay, pasado sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangays – DILG Bicol

LEGAZPI CITY - Pasado an nasa 18 mga barangay sa Albay sa 2023 Seal of…

60 mins ago

Training on Good Agricultural Practices on Abaca Production and Basic Handloom Weaving kan PHILFIDA Bicol, matapos na ngunyan na aldaw

LEGAZPI CITY – Ngunyan na an ultimong aldaw kan training sa Abaca Production and Basic…

1 hour ago

1st OTOP Nook sa Europe, inilunsar na

LEGAZPI CITY – Pormal nang inilunsar an pinakaenot na One Town, One Product (OTOP) Nook…

1 hour ago