Lola sugatan nang makaladkad ng motor ng snatcher sa Naga

NAGA CITY- Sugatan ang lola matapos na habulin at makaladkad ito ng motorsiklong sakay ang umano’y snatcher.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nancy Celestial , dating Barangay Kapitan ng Bongalon SagΓ±ay may transaksyon siya sa National Bureau of Investigation (NBI) maaga siyang pumunta para maaga rin sa pila, nagtanong siya ng direksyon patungo sa opisina bandang alas 5:20 ng umaga. Nagbigay ng direksyon ang dalawang nakamotor pero habang naglalakad si Celestial at kaniyang apo nakasunod naman ang mga ito at saka hinablot ang dala niyang bag.

Nakipagmatigasan ang lola at pilit na inaagaw ang bag , sa pag-andar ng motor nakaladkad si Celestial. Nasaksihan ng kaniyang kasamang apo ang pangyayari. Nagtamo ng mga gasgas sa kamay at paa ang biktima. Nabawi nito ang bag laman ang mga mahahalagang ID at kaunting halaga ng pera.

Ayon sa Police Station 2, nakarating na sa kanila ang insidente at iimbestigahan ang pangyayari sa posibleng pagkakaresto ng mga suspek. Natuloy naman sa lakad  NBI ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *