Lolang nakaratay, patay sa sunog sa Cavite

Patay ang isang senior citizen na naiwang mag-isa sa bahay matapos sumiklab ang sunog sa Bacoor City, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit isang oras tumagal ang sunog bago idineklarang fire out.

Tinupok ng apoy ang nasa 30 na mga kabahayan at tinatayang nasa 90 na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Inaalam pa ng BFP kung ano ang sanhi sa nangyaring sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *