Lollipop-shaped COVID-19 test kit para sa mga bata ginagamit sa Austria

Isang newly developed na COVID-19 test kit ang ginigamit ngayon sa bansang Austria para sa mga bata.

Ito ay bilang alternatibo sa throat o nose swabs na karaniwang ginagawa upang malaman kung ang isang tao ay positibo o hindi sa coronavirus.

Bagama’t hindi kasama ang mga kabataan sa ilang virus measures, pinangangambahan na dahil sa bagong variant ay mas lalong kumalat ang COVID-19 sa mga kabataan lalo na’t muling binuksan ang mga paaralan sa naturang lugar.

Upang ma-monitor ang COVID-19 infection nag-order na ang probinsiya ng Burgenland sa Austria ng 35,000 lollipop tests.

Nakalagay sa instruction ng test kit ay: “Put the test in the mouth, suck for 90 seconds, dip the test in the container, wait 15 minutes, check the result.” (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *