Lolo na humalay sa isang babae na menor de edad, arestado sa Oriental Mindoro

Arestado ang isang lolo na humalay sa isang babae na menor de edad sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Oriental Mindoro.

Kinilala ng San Luis Municipal Police Station ang akusado na si Willy Mangao alyas Tikbalang, 60 anyos at residente ng Brgy. Bonliw, San Luis, Batangas.

Naaresto ito sa pinagsamang operasyon ng nasabing himpilan at ng Mansalay Municipal Police Station, Mindoro PPO at ng RIU 4A PIT Batangas noong Hunyo 7 sa Brgy. Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro.

Ayon sa naging pahayag ni PMAJ Julius Almeda ng San Luis Municipal Police Station, kinikilalang lolo ng biktima ang naturang suspek.

Ito umano’y isa sa mga naging ninong sa kasal ng mga magulang ng biktima kaya masasabing malapit ito sa kanilang pamilya.

Samantala, apat na beses na nakaranas ng panghahalay ang biktima mula sa suspek.

Naganap ang una at pangalawang panghahalay ng sa biktima noong ika-24 at 25 ng Hunyo taong 2019.

Sinundan naman ito noong ika-2 ng Nobyembre at ang pinaka-huli ay noong ika- 25 ng Enero taong 2020.

Taong 2021 naman ng ika-25 ng Pebrero ng madiskubre ang naturang insidente ng kanyang mga magulang matapos itong aminin ng biktima.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Region IV, Branch 5, Lemery, Batangas.

Sa ngayon, ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang suspek at mahaharap sa kaso ng pangagahasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *