Lolo na wanted sa lascivious act, arestado sa Laguna

Arestado ang isang lolo na itinuturing na Top 6 most wanted person (MWP) sa provincial level na nahaharap sa kasong lascivious conduct sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang akusado na si Reynaldo Abitan, 69 taong gulang at residente ng Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, 7:33 ng gabi kahapon ng maaresto ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Camia St., Lynville Phase 3, Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng RA. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na isinampa sa kanya noong Abril 18, 2022.

Naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN’s) ng komunidad na nakapagturo sa kinaroroonan ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang lolong suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *