Lolo, patay matapos mabundol ng motor sa Tayabas City

Patay ang isang lolo matapos itong mabundol ng motorsiklo sa Barangay Ibabang Palale, Tayabas City nitong Lunes, Abril 1.

Ayon sa report, naglalakad umano noon ang biktimang si alyas “Pedro”, 79-anyos, nang masalpok ito ng motor na minamaneho ng 18-anyos na driver.

Dead on arrival sa hospital ang biktima habang nagtamo naman ng mga injury sa katawan at driver at ang 12-anyos nitong backrider.

Sa ngayon, nagpapagaling pa sa hospital ang nasabing mga sakay ng motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *