Lolo sa Tsina, nag-ala make-up vlogger upang matustusan ang gamutan ng kaniyang apong may sakit

Isang 72 taong gulang na lolo na nagngangalang Zhu Yunchang kamakailan sa Tsina ang hingaan dahil sa dedikasyon at pagmamahal na ipinamalas nito upang maipagamot ang kaniyang 5 taong gulang na apo.

Ito’y dahil sa nag-ala beauty and make-up vlogger ito at talagang pumatok sa mga netizens na siyang naging dahilan para mabawas-bawasan ang gastusin sa pagpapagamot ng kaniyang apo.

Kamakailan kasi ay nadiagnose ang bata na mayroon umanong sakit na spinal muscular atrophy.

Magiba’t ibang paraan na rin umano ang ginawa ng pamilya para ipagamot ito ngunit, hindi umano ito naging sapat para matustusan ang araw-araw nitong gamutan.

Kaya naman nang malaman ni lolo Zhu ang patungkol sa beauty at make-up vlogging, sinubuka niya itop hanggang sa isang araw, marami ang natuwa sa kaniya dahilan para dumami ang views at kumita na rin ng pera. Sa kasalukuyan, nagkaroon na rin ng medical insurance ang kaniyang apo, subalit hindi pa rin umano itinitigil ni lolo Zhu ang kaniyang content kung saan naging malaking tulong para makapagbigay saya sa iba lalo sa kaniyang pinakamamahal na apo.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *