Lone-opposition Hontiveros, tiniyak ang pakikipagtulungan sa mga Senador

Tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros na magpapatuloy ang trabaho at mga nasimulan nitong batas sa pagbabalik niya sa Senado.

Bilang natatanging miyembro ng oposisyon na nailuklok sa puwesto, siniguro ni Hontiveros na magkakaroon pa rin ng balanse sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, at maiiwasan ang pagiging sunud-sunuran nito sa kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Hontiveros, handa siyang makipagtulungan sa mga kapwa niya mambabatas para makapagbalangkas ng mga makabuluhang panukala para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Bago ito, una nang sinabi ng Senadora na bagamat mayorya ng mga senador ay ka-alyado ng administrasyon, naniniwala siyang mananatili pa rin ang independence sa Senado at hindi ito magiging rubber-stamp Congress.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *