Local News

Long-term na paghahanda, kailangan umano sa El Niño ayon sa APSEMO; mga sektor na tututukan, inisa-isa

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na kinakailangan ang long-term na paghahanda para sa posibleng pagtama ng El Niño sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APSEMO Chief, Dr. Cedric Daep, sinabi niya ang epekto nito ay maaaring maranasan hanggang sa pagtatapos ng taon o kaya naman sa unang quarter ng taong 2024.

Ayon sa kanya, ang may pinakamalaking preparasyon at kailangang tutungan ay ang sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Aniya, dapat sa ngayon ay naghahanda na ang Provincial Agricultures Office nang sa gayon ay maaga ring makapagtanim ang mga magsasaka.

Ito umano ay mainam na paraan upang maaga rin silang makapag-ani ng kanilang mga produkto at makapag-ipon ng budget.

Bukod dito, ayon kay Daep, kinakailangan ding planuhin ng bawat munisipyo at lunsod ang tubig sakaling magkaroon ng kakulangan ng supply nito.

Maliban pa sa mga ito, ang kalusugan ay isa rin sa nararapat na paghandaan, kung saan kinakailangang maturuan ang mga residente na magsanitize ng mga tubig o magfilter kung mayroong source na hindi malinis upang maiwasan ang mga sakit.

Kabilang din umanoa ang livestock sa mga dapat na tutukan sa pagtama ng El Niño.

Samantala, sinabi niya na nagkaroon na sila ng pag-uusap kasama ang mga DRRMOs sa bawat LGU kaya’t tiniyak ni Daep na sa ngayon ay naghahanda na sila.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Pagkalunod, ikinamatay ni Danica Pajate

Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng 18 anyos na dalagang si Danica Pajate na…

51 mins ago

Transport Sector sa Naga City tutulong sa trapiko sa pagsalubong sa bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY – Pinulong ngayon ng Public Safety Office ang presidente at opisyales ng mga…

1 hour ago

SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes,…

2 hours ago

7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY - Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa…

2 hours ago

Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa…

3 hours ago

MANIBELA – papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos ng franchise consolidation

Idiniin ng grupong MANIBELA na kahit na paso na ang deadline para sa franchise consolidation…

3 hours ago