Nawawala ang ilang organs ng mga biktima ng Good News International Church cult na naniwalang sila ay mapupunta sa langit kung papatayin ang kanilang sarili sa gutom.
Ayon sa AFP news agency, natapos na ang post-mortem examinations sa 112 bangkay na nahukay o na-recover.
Lumabas sa resulta , na nawawala ang ilang organs ng mga ito na pinaniniwalaang ibinenta ng ilang sangkot sa insidente.
Lumalabas rin sa ekasaminasyon na bagamat starvation o gutom ang lumilitaw na pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga biktima, ilan sa mga ito, kabilang ang mga bata, ay napag-alamang sinakal, binugbog, o na-suffocate.
Samantala, pinayagan naman ng korte na makapagpiyansa ang naarestong pastor ng Good News International Church na si Paul Mackenzie para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang terrorism charges laban sa kanya.//CA
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…
Isinailalim na sa medical at booking procedure sina Deniece Cornejo at Simeon Raz - dalawa…
Wi-nelcome ng actor-host na si Vhong Navarro ang naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court…
Kinondena ng Kabataan Partylist ang umano'y ilegal at marahas na pag-aresto sa mga kabataan na…
Kinilala ni Philippine Coast Guard District (PCG) NCR-CL Commander Arnaldo Lim ang mga personnel nito…