Love scams, talamak na naman kasabay ng holiday season

Dumarami na raw ang natatanggap na reklamo ng Bureau of Customs (BOC) hingil sa umano’y love scams.

Ginagamit kasi ang BOC ng mga nagpapanggap na secret admirer para makapagpadala ng mga parcel sa taong gusto nilang biktimahin.

Ayon kay BOC Deputy Commissioner Atty. Jet Maronilla, may mga lumalapit sa kanilang tao na nagbe-verify hinggil sa mga empleyado ng ahensya.

Ang insidente aniya na ito ay paulit-ulit nang nangyayari lalo na kapag may mga espesyal na okasyon gaya ng pasko at valentine’s day.

Dagdag pa ni Maronilla, sa sandaling makarating sa kanila ang report, nabayaran na ng biktima ang parcel na ipinadala sa kanila ng mga scammer.

Ang nakapanlulumo pa rito, hindi raw maliliit na halaga ang nakukuha ng mga nanloloko sa mga biktima na nagkakahalagang P30,000 hanggang P100,000.

Kadalasan, sinasabing ang mga pinadala na parcel ay galing umano sa kanilang kasintahan na na-meet lang sa social media.

Sa huli, pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na i-verify muna sa kanilang website kung may parcel upang maiwasang ma-scam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *