Lovi Poe, hindi pa ready magka-baby

Inihayag ng aktres na si Lovi Poe na hindi pa siya ready na magka-baby sa panahon na ito.

Bagama’t kasal na siya sa kanyang partner na si Monty Blencowe, gusto pa daw i-enjoy ni Lovi ang kanyang married life nang sila dalawa na muna.

Bukod pa rito, sinabi rin niyang parang hindi pa siya handa na maging isang ina dahil malaki aniya itong responsibilidad.

Ngunit kapag ibinigay ito ng Panginooon sa perfect timing, malugod nila itong tatanggapin at ikakatuwa pa nila ito ni Monty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *