Low stocking sa mga palaisdaan, payo ng BFAR Bicol ngayong mainit ang panahon

Camarines Sur –Kailangang maglow stocking o babaan ang pag-stock ng isda ng mga fish cage owner sa Bicol partikular sa Buhi at Baao-Bato lake dahil sa init ng panahon na nararanasan ngayon. Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Atty. Nilo Consuelo, Chief of Fisheries Production and Support Services Division ng Bureau of Fisheries Aquatic Resources (BFAR) Bicol.

Aniya natural phenomenon ang fish kill, ibig sabihin hindi kontrolado at hindi alam kung kailan ito mangyayari, kaya upang hindi malugi may payo ito sa mga mangingisda.

“Be resilient, i-observe ang mga owners sa stocks”

Sa ngayon regular pa ang status ng mga lawa at wala pang naiuulat sa kanila ng fish kill incident sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *