LPG summit ng LPGMA party-list, isinagawa sa lunsod ng Legazpi kahapon

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon, Marso 30, ang LPG Summit sa pangunguna ng LPGMA Party-list sa lunsod ng Legazpi.

Sinabi ni LPGMA Party-list Cong. Arnel Ty sa Brigada News FM Legazpi na layunin ng isinagawang aktibidad ay upang turuan ang publiko bago ipatupad ng Department of Energy (DOE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang LPG law.

Aniya, nagkaroon sila ng talakayan ng DOE na kailangan muna nilang maturuan ang mga LPG participants kasama ang mga consumer tungkol sa kanilang mga karapatan at mga pakinabang na maaari nilang makuha mula sa nasabing batas dahil ito ay bago pa lamang.

Nais umano nilang ibalik sa regulasyon ang industriya ng LPG dahil nahinto, aniya, ito noong taong 1998.

Sinabi niya, hindi naman dapat na katakutan ang batas na ito lalo na ng mga legal na participants o negosyo, dahil nilalayon nitong protektahan ang interes ng mga legal na nasa industriya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *