LTFRB: 20K palang mula sa 62K registered drivers ang nakatanggap ng ayuda mula sa govt

Ibinahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mula sa 62,000 drivers na nakarehistro para sa aid program sa gitna ng COVID-19 pandemic, tanging 20,000 palang ang nagsisimula sa service contracting para matanggap ang kanilang cash assistance.

Ayon kay LTFRB officer-in-charge Executive Director Joel Bolano, karamihan sa 20,000 drivers ay nakatanggap na ng kanilang payment.

Mababatid na ang mga drivers at operators ng public utility vehicles na apektado ng COVID-19 lockdowns ay makakatanggap ng cash subsidies sa ilalim ng Bayanihan recovery plan kapalit ng pamamasada ng kanilang ruta para sa gobyerno.

Kaugnay nito, nasa P5.8 billion ang pondong inilaan para sa naturnag subsidiya, kung saan ang P3 billion ay para sa mga drivers at public utility jeepneys.

Sa ilalim ng service contracting, ang gobyerno ang magpapatupad ng bilang ng operating hours para sa drivers at operators. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.