LTFRB Bicol, may paalala sa mga tsuper at pasahero sa Camarines Sur kaugnay ng taas pasahe sa jeep

NAGA CITY- Dagdag pasanin para sa marami habang kaya pa naman ng ilan ang dagdag pamasahe sa public utility jeepney at modern jeepney.

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional na karagdagang ₱1.00 na pamasahe sa mga pampasaherong jeep na epektibo simula Linggo, Oktubre 8, 2023.

Ayon sa LTFRB Bicol pansamantala lamang ang pisong taas-pasahe habang dinidinig pa ng Board ang ₱5.00 na hirit ng mga transport groups.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni LTFRB Regional Director Atty. Paul Austria sa Camarines Sur 1, 341 ang bilang ng mga tradisyunal na jeep habang 401 sa Naga City at may 15 na modernized. Paalala nito sa mga driver na ang dagdag pamasahe ay sa unang apat na kilometro lamang.

Huwag din aniyang makakalimot sa discount para sa mga Senior Citizen, estudyante, persons with disability at buntis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *