LTFRB, LTO pinaghahanap na ang taxi driver na naniningil ng mahigit P10k kada pasahero

Pinaghahanap na ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office ang taxi driver na naniningil umano ng mahigit sampong libong piso kada pasahero.

Base sa kumalat na video online nila-locked umano ng driver ang pinto ng taxi para hindi makakababa ang pasahero kapag hindi ito nagbayad.

Makikita sa video na may inabot na taripa sa biktima na may logo pa ng NAIA at Department of Tourism.

Mahigit 13,000 ang pamasahe kada pasahero kung papunta sa NAIA terminal 3.

Pinakamura na ang papunta sa hotel at bus terminal sa Metro Manila na halos sampong libo kada pasahero.

Sa ilalim ng taripa may nakalagay na parusa sakaling hindi makapagbayad ang mga biktima.

Iniimbestigahan na ng LTFRB ang kumalat na video pero ang problema hindi nila alam ang plaka at pangalan ng driver.

Batay pa sa post mismong gwardiya pa ang nagdala sa mga dayuhan papunta sa mismong mga scammer na taxi driver dahil wala umanong shuttle bus doon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *