LTFRB, mag-iisyu ng special permits sa mga rutang walang nakapag-consolidate ng jeep

Maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permits upang payagan ang mga awtorisadong public utility vehicle (PUV) na bumiyahe sa mga rutang walang nag-consolidate na jeepney drivers at operators.

Saad ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz, magsisilbi itong solusyon sa mga hinaharap na pagsubok ng mga komyuter matapos itakda ang deadline ng consolidation noong nakaraang linggo, sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PUVMP).

Nakatanggap ang ahensya ng ulat na parehong mga jeepney driver at commuter ang umaaray sa kalsada dahil sa kahirapang bumyahe.

Ayon sa ilang mga komyuter, talagang nabawasan ang mga jeepney sa daan at minsan ay inaabot na sila ng siyam-siyam kakahintay.

Hinaing naman ng ibang tsuper, kailangan na nilang makipag kompitensya sa mga modern jeepneys dahil mas pinipili ito ng mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *