LTFRB, magpapatupad ng ‘heightened alert’ dahil sa inaasahang pagtaas ng summer trips

Nakatakdang magpatupad ang transport authorities ng heightened alert status simula sa Biyernes bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng summer travel.

Sa ilalim ng direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade, inatasan si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III at iba pang mga opisyal na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga commuters.

Kaugnay nito, magmomonitor ang LTFRB sa mga bus terminals at stations kung saan inaasahan ang pagdami ng mga pasahero, habang magkakaroon rin ng random bus inspections.

Samantala, ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ay ire-reactivate ang kanilang motorist assistance program sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (Cavitex), Cavitex C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Samantala, ipinakilala rin ng kompaniya ang kanilang “MPT DriveHub” app, kung saan pinagsama-sama na ang RFID transactions, trip planning, at emergency roadside assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *