LTFRB naglabas ng isang memorandum na tutugon sa sexual harassment ng mga PUV operators, drivers, at iba pa nilang empleyado

Parurusahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility vehicles (PUVs) operators, drivers, conductors, at mga empleyado na gagawa ng sexual harassment.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng LTFRB ang Safe Spaces Act na tumutugon sa gender-based sexual harassment sa mga lansangan, public places, cyberspaces, workplaces, at mga paaralan.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2023-016 ng ahensya at Safe Spaces Act, parurusahan na ang sinumang gumawa ng pagmumura, pangka-catcall, pagbibitaw ng sexist na komento at sexual jokes, maging ang mga gumagawa ng kilos na umaatake sa gender at personal na buhay ng isang indibidwal.

Sa unang offense, puwedeng humarap sa six-month suspension at P5,000 na multa ang PUV workers na lalabag sa naturang kautusan; P10,000 multa at isang taong suspension sa ikalawang offense; at P15,000 multa at revocation ng Certificate of Public Convenience (CPC) ng sasakyan naman sa ikatlong offense.

Bukod dito, maaari ring masuspinde o makansela ang lisensya ng isang driver na gagawa ng sexual harassment sa ilalim ng Safe Space Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *