LTFRB, nakahanda sakaling magkaroon ng kakulangan sa mga sasakyan sa Pebrero 1

Tiniyak ng Land Transport Franchising and Regulatory Board na magkakaroon ng sapat na masasakyan sa pagsapit ng Pebrero, kung saan hindi na papayagan ang unconsolidated public utility vehicles na bumiyahe.

Ayon sa LTFRB, mayroon na silang nakalatag na plano sakaling magkahirapan ng mga sasakyan.

Magtatalaga umano ng rescue vehicles sa loob ng isa hanggang dalawang linggo dahil inaasahan na kukulangin ang inilabas na special permits.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang ahensya sa local government units at sa Metropolitan Manila Development Authority sa inaasahang magaganap sa susunod na buwan.

Kampante ang LTFRB na walang nakaambang transpoirt crisis partikular sa National Capital Region kahit na mahigit 300 ruta ang walang consolidated entities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *