LTFRB, nanindigang hindi ‘band-aid’ solution ang umento sa pasahe sa PUVs

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na handa nilang tugunan ang iba pang mga pangangailangan ng mga PUV drivers at operators sa bansa.

Ito ay kasabay ng ginawa nilang pag-apruba sa sa hiling na pisong dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Sa Laging Handa Public Briefing, inihayag ni Atty. Mercy Jane Paras-Leynes, Board Member ng LTFRB na pinag-aaralan na rin nila sa ngayon ang pagdadagdag ng taon o validity ng kanilang prangkisa.

Aniya, dahil halos dalawang taong hindi nakapamasada ang mga marami sa mga tsuper, posibleng ikonsidera nila ang pag-wave sa penalties sa hindi pagkakapasada ng dalawang taon.

Samantala, kinontra naman ang LTFRB ang pahayag ng ilan na ‘band-aid solution’ lamang daw ang ipapatupad na fare hike.

Iginiit ni Leynes na hindi band-aid solution ang ginawang ito ng ahensya dahil ito naman ay permanente at pangmatagalan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *