LTO 12, may bagong regional director

KORONADAL CITY- UMUPO na bilang bagong regional director ng Land Transportation Office o LTO Region 12 si Director Melharrieh Tomawis kapalit ni dating regional director Macario Gonzaga.

Sa isinagawang turn-over ceremony noong Martes, inihayag ni Director Tomawis na ipagpapatuloy nito at mas pagbubutihin pa ang mga nasimulan at naiwan ni Gonzaga.

Pangarap din nitong maging pinakamaayos na tanggapan ang LTO 12 na walang korapsyon at walang mga fixers.

Bibigyan naman umano nito ng pagkakataon ang mga empleyado ng LTO 12 na patunayan ang kanilang sarili at kakayahan bago ito magpapatupad ng reshuffling.

Bago ang kanyang designation sa LTO, si Tomawis ay nagsilbing chief administrative officer ng General Services Division ng Bangsamoro Transition Authority sa BARMM at opisyal ng Citizens Crime Watch.

Samantala, si dating regional director Macario “Bong” Gonzaga ay magpapahinga muna sa government service upang bigyan ng panahon ang kanyang sarili at pamilya. Ngunit inihayag nito na may mga alok na sa kanya mula sa ibang rehiyon.

Proud naman itong iiwan ang LTO na nasa magandang estado at may sariling regional office na itinuturing nito na kanyang legasiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *