LTO-12, may ibinibigay na libreng TDC

KORONADAL CITY- NAG-AALOK na naman ng libreng Theoritical Driving Course o TDC ang tanggapan ng Land Transportation Office o LTO-12.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News FM Koronadal nasa 40 slots lamang ang available simula ngayon araw hanggang Marso 18 ngayong taon.

Kabilang sa mga requirements ng tanggapan ang certificate of indigency, NSO/PSA Birth Certificate, NSO/ PSA Marriage Contract para may asawa, photocopy ng isang kvalid ID, facemask , faceshield, at sariling ballpen at pagkain.

Ang nasabing libreng TDC ng ahensya ang first come first serve basis.

Sa dagdag na detalye maaari lamang bisitahin ang tanggapan ng LTO-12 sa Purok Yellow Bell,Barangay Sta. Cruz, Koronadal City.

Napag-alaman na ang TDC ang isa sa requirements sa pagkuha ng student permit na isa sa kinakailangan naman sa pagkuha ng drivers license.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *