LTO 4-A Chief, pinagpaliwanag ng LTO at Malakanyang dahil sa pangongotong

Pinagpaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) at Malakanyang ang hepe ng LTO-Region 4A matapos itong ulanin ng reklamo mula sa isang transport cooperatives dahil sa umano’y pangongotong sa mga operator at driver ng mga pampasaherong sasakyan.

Natanggap ng Presidential Action Center sa Malakanyang ang magkakahiwalay na  reklamo laban kay LTO Region 4A Regional Director Jerry Asuncion.

Sa isinumiteng liham kay Pangulong Bongbong Marcos, isinumbong ng mga driver at operator ang umano’y pangingikil ng tanggapan ni Asuncion ng P25K para hindi umano sila hulihin.

Kapag naman aniya sila’y nahuli ng walang violation hinihingan pa rin sila ng mga tauhan ni Asuncion ng P50K bago nila makausap an nabanggit na opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *