LTO at TESDA 12 lumagda sa MOA para sa pagpapaigting sa driver’s education

KORONADAL CITY- NILAGDAAN na ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 12 at Land Transportation Office o LTO 12 ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa implementasyon ng Accreditation and Enrollment ng TESDA Accredited Institutions at adoption ng LTO Theoretical and Practical Driving Course.

Ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na layunin nito na maitaas ang kalidad ng mga drivers sa region 12 sa pamamagitan ng pag-integrate sa training program ng TESDA sa driving modules at courses ng LTO para sa ‘uniformity’ ng driver’s education course.

Layon din nito na mapaigting ang road safety at pagkadispilinado ng mga drivers upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Inihayag naman ni LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga na sa naturang partnership, mag-aalok ang TESDA ng libreng theoretical at practical driving course at mag-iisyu ng certificate na katulad sa ibinibigay ng mga LTO.

Ngunit nilinaw ni Gonzaga na prayoridad sa naturang programa ang mga indigent at mga marginalized na mga indibidwal na walang kakayahan na magbayad sa mga driving schools.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *