LTO Bicol, handa na sa pag-iinspeksyon sa mga terminal at kalsada ngayong Semana Santa

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na mayroon na silang isinasagawang mga hakbang na may kinalaman sa paghahanda ngayong Semana Santa.

Ayon kay LTO Bicol Regional Director, Francisco Ranches Jr., nakahanda na ang kanilang mga enforcers sa gagawing inspeksyon sa mga terminal at kalsada sa buong rehiyon.

Inaasahan na tuwing holiday season tulad ng Semana Santa ang paglalagay ng help desk assistance para sa mga biyaherong nangangailangan ng tulong.

Dagdag pa nito, nakipag-ugnayan na rin sa mga lokal na pamahalaan at kapulisan na siyang katuwang sa pagpapatupad ng kanilang mga regulasyon.

Mas papaigtingin pa umano ng LTO ang road inspections at palalakasin din nila ang presensya ng mga enforcers sa mga distrito upang magbigay-asistensya sa mga turista o byahero.

Sinabi ng opisyal, magsisimula ang kanilang implementasyon bukas, Abril 1, hanggang Abril 14 ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *