LTO: itawag sa Aksyon on the Spot hotline ang mga lalabag sa Anti-Wang-Wang order

Hinimok ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza ang publiko na itawag sa “Aksyon on the Spot” hotline ng ahensya ang mga pasaway na motoristang gumagamit pa rin ng mga sirena at blinker alinsunod sa anti-wangwang na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sinabi ni Assec Mendoza na bukod sa mga sasakyan ng gobyerno na hindi awtorisadong gumamit ng mga sirena at blinker, maaari ding i-report ng publiko ang mga pribadong sasakyan na gumagamit nito.

Bukod dito, magagamit din ang Aksyon on the Spot hotline sa pag-uulat ng mga online scammers na nagpapanggap bilang tauhan ng LTO at nagpapadala ng pekeng traffic violations.

Kailangan lamang na magpadala ng mensahe sa numerong 09292920865.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *