LTO, naglabas ng show-cause order sa may-ari at SUV driver na sangkot sa aksidente sa EDSA

Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa may-ari ng SUV at maging sa driver na sangkot sa aksidente sa EDSA-Mandaluyong nitong Sabado.

Matatandaang nakatulog ang driver sa EDSA katukin ng concerned citizens, nagulat ang SUV driver at biglaan na lamang pinaandar ang sasakyan.

Dahil dito, nasagasaan ang isang indibidwal at humarurot ng takbo hanggang sumalpok sa MRT-Shaw Boulevard.

Ayon kay LTO-NCR Chief Roque Versoza III, pinahaharap ang may-ari ng sasakyan at maging ang nagmamaneho nito sa kanilang opisina sa January 4 sa ganap na alas-dos ng hapon.

Nakikita ng ahensya na posibleng lumabag ang SUV driver ng reckless driving, improper person to operate a motor vehicle, driving unregistered motor vehicle, at duty of driver in case of accident.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *