LTO, pabor na irehistro ang mga gumagamit ng E-trike at E-bike

Sinang-ayunan ng Land Transportation Office ang isinusulong na panukala na mairehistro ang mga E-bike at E-trike at magkaroon ng lisensya ang mga driver nito.

Ito ay kasunod ng pag apruba ng Metro Manila Council at ng MMDA sa isang resolusyon na nagbabawal sa mga E-vehicles sa national roads at nagpapataw ng multang P2,500.

Sa isang public consultation, iniharap ni LTO chief Vigor Mendoza ang panukala sa mga stakeholders.

Sa konsultasyon, tinanong ni 1-Rider Partylist Bonifacio Bosita si Mendoza kung ang bayad para sa mga light electric vehicle ay maaaring singilin sa kalahati ng bayad sa regular na motorcycle registration, na sinang-ayunan rin ng LTO.

Bukod sa registration, sinabi pa ni Mendoza na ang mga driver ng e-vehicles ay kinakailangang ding magkaroon ng lisensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *