LTO Pili Extension Office, kinilala bilang District Office of the Year sa Bicol

CAMARINES SUR-  Nasungkit ng Land Transportation Office (LTO) – Pili, Camarines Sur ang parangal na District Office of the Year sa Bicol Region.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Eric Torrecampo , head ng naturang opisina sinabi nitong naging angat ang tanggapan sa mag bagong innovation. Inihalimabawa nito ang unang Drive-thru Vehicle Registration, pag gamit ng mobile devices , pag assist sa portal,  24-hours na pagsagot sa mga queries ng mga may ari ng sasakyan at iba pa. Kung titinggan din sa social media kaliwa’t kanan ang papuri sa mabilis na transaksyon dito.

Pagpupunto ni Torrecampo, hamon din ito sa kanila sa 2024 upang higitan pa ang magandang serbisyo ngayong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *