LTO Sorsogon balik operasyon na matapos ang 2 araw na pagdidisimpekta

SORSOGON CITY- Kinumpirma ng Land Transportation Office Sorsogon na magbabalik operasyon na ang opisina nila bukas, Hunyo 9 matapos ang isinagawang dalawang araw na disinfection.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa pinuno ng nasabing tanggapan na si Grace Rojas,  pinabulaanan nito ang kumalat na impormasyong na may empleyado ng LTO na nagpositibo sa Covid -19 kayat 14 days itong maglalockdown.

Tahasang sinabi ng opsiyal mali ang naturang impormasyon dahil nagsagawa lamang umano ng pagdidisimpekta sa kanilang opsina at swab test sa mga empleyado kaya’t sarado ang opisina nito ng nakalipas na dalawang araw.

Pagbibigay diin ng opsiyal na  lahat ng empleyado ng opsina maging ang kaniyang sarili ay negatibo sa resulta ng isinagawang Swab Test kaya’t bukas na muli ang kanilang provincial office upang magsilbi sa mga mamamayan ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *