LTO, tutugunan ang sunud-sunod na mga road rage incidents

Inaaral na ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang mga hakbang na maaari nilang gawin para mabawasan naman ang insidente ng mga road rage sa kalsada.

Kung maaalala kasi, magmula pa ng nagdaang taon – sunud-sunod nang mga road rage incidents ang nagba-viral online.

Sa pulong balitaan – sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza na posible silang makipag-tie-up sa Philippine Medical Association.

Aaralin din nila ang mga hakbang para ma-address sa tamang pamamaraan ang mga posibleng road rage cases kung saan ay involved ang mga drayber na mayroong mga existing na psyhological disorders.

Kung matatandaan – humarap sa media ang isang viral na driver na maka-ilang beses na nasangkot sa road rage incidents sa Quezon City.

Napag-alaman din na diagnosed ito na mayroong bipolar disorder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *