LTOP – Fuel subsidy distribution, mabagal

Ibinunyag ng Liga ng mga Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na marami pang mga tsuper at operators ng jeepney ang hindi pa rin nakakatanggap ng fuel subsidy mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa panayam ng Brigada NewsFM Batangas kay ka-Lando Marquez, presidente ng LTOP, nalulungkot sila sa tila maling sistema ng LTFRB kung kaya’t marami pa rin sa kanilang hanay ang hindi nakakatanggap ng subsidiya.

Sinabi ni Marquez na laging walang konsultasyon ang LTFRB sa publiko partikular sa mga nasa transport sector kung kaya’t hindi laging malinaw ang kanilang mga ipinatutupad na programa at alituntunin.

Sa huli, nanawagan si Marquez kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maaari ay tugunan ang mga kakulangang ito umano ng LTFRB.

LTOP, naniniwalang wala nang balak ang gobyerno na i-review o amyendahan ang Oil Deregulation Law

Naniniwala ang LTOP na wala nang balak pa ang gobyerno na i-review o amyendahan ang Oil Deregulation Law sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Ka Lando Marquez na babaan na lamang ang excise tax at ang iba pang buwis na ipinapataw sa langis upang maibsan naman kahit papaano ang matinding epekto nito sa publiko.

Muli namang binigyang diin ni Marquez na ang Oil Deregulation Law ang tunay na nagpapahirap sa kanilang sektor.

Nabatid na sinabi kahapon ng Department of Energy (DOE) na posibleng hindi na maihabol sa kasalukuyang administrasyon ang pagreview sa naturang batas.//CLAY MARQUEZ
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *