LTOPF at renewal of firearms caravan, isasagawa ngayong araw sa bayan ng Irosin

Sa hangaring mailapit ang mga serbisyo ng PNP, magkakaroon ng License to Own and Possess Firearms and Renewal of Firearms o LTOPF caravan ngayong araw, November 9, 2023 ganap na alas 8:00 ng umaga sa INACT center sa bayan ng Irosin.

Ang LTOPF Caravan ay isang programa upang mabigyan ng serbisyo ang mamamayan na makapag-renew, makapag-apply ng license to own and possess firearms at makapagparehistro ng kanilang mga baril.

Layunin din nito na matugunan ang problema patungkol sa mga napasong mga rehistro ng baril.

Batay sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, ang loose firearms ay ang mga expired ang registration at walang registration at  mga ni-revoke sa pamamagitan ng resolutions o kaya court order.

Nakapaloob sa nasabing batas ang kaparusahang reclusion temporal depende sa anong caliber o light weapon para sa lalabag dito. Payo naman ng PNP, para maiwasang magkaroon ng aberya ay isurender na lang muna ang  mga expired firearms habang pinoproseso ang mga LTOPF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *