LTRFB, sinuspinde ang operasyon ng bus company na sangkot sa aksidente sa Antique

Sinuspinde na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng 13 unit ng sangkot na bus company matapos ang aksidente sa bangin sa Hamtic Antique.

Hindi baba sa 17 ang patay at walong pasahero ang nasugatan sa aksidente.

Tatlong anggulo ang tinitingnan ng LTFRB sa pagkakahulog ng bus sa banggin, una ay kung may kapabayaan ba sa maintenance ng bus, pangalawa kung nasa tama itong ruta, at pangatlo kung ano ang estado ng pag-iisip at kalusugan ng driver.

Kinakausap pa ng ahensya ang insurance company ng bus company para mabilis na mai-release ang insurance claim.

Ayon kay LTFRB Teofilo Guadiz III simula Disyembre  31 hanggang Bagong Taon magsasagawa ng random drug test at inspeksyon ang ahensya sa iba’t ibang bus terminal sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *