LTRFB, tiniyak na hindi magkakaroon ng krisis sa transportasyon sa 2024

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi magkakaroon ng krisis sa transportasyon sa 2024.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nasa 70% na ang lahat ng operatos na nagpaconsolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Pero base sa datos ng LTFRB, sa National Capital Region 11,405 o 27% na jeepney ang nagpaconsolidate hanggang noong December 12.

Tiwala ang pamahalaan na tataas pa ang bilang na ito at magiging sapat ang pampublikong sasakyan para sa mga pasahero pagsapit ng January 1.

Sinabi naman ng Department of Transportation na lahat ng malalaking ruta o kalsada sa NCR ay may bumabyahe na ng consolidated transport group.

Ang mga secondary routes naman na wala pang consolidated groups ay maaaring serbisyuhan ng ibang klase ng pampublikong sasakyan tulad ng mga bus at tricycle.

Papayagan rin ang mga consolidated jeepney na mag-apply sa Special Permits sa mga rutang magkukulang ang mga sasakyan.

Tutulong din ang mga lokal na pamahalaan para matiyak na hindi magkukulang ng sasakyan.

Ang mga requirements para sa pag-apply ng consolidation ay OR/CR mula sa LTO, registration document ng sasalihang kooperatiba o korporasyon at affidavit of conformity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *