Lubak-lubak na kalsada sa isang Barangay sa Libmanan, inireklamo!; barangay nagpaliwanag

CAMARINES SUR- Ilang taon nang problema sa Barangay Bahao, Libmanan, Camarines Sur ang pagkakaroon ng mga lubak-lubak na daan kung saan isa itong malaking pasakit para sa mga biyahero.

Sa ipinaabot na reklamo ng isang motorista sa Brigada News FM Naga sa pitong taon niyang pabalik-balik sa lugar, tila walang nagiging pagbabago sa mga daanan. Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Antonio Camara, kagawad ng nasabing barangay, ginagawan naman nila ito ng paraan ngunit aminado siya na may ilang bahagi nito ang hindi talaga inaabot ng patrabaho.

Napag-alaman pa sa opisyal na wala namang ibinababang pondo sa kanilang barangay. Tanging ang Department of Public Works and High Ways (DPWH) at munisipyo lamang ang may kontrol dito kung kaya’t hinihingi naman ng opisyal ang pag-unawa at pasensya sa mga motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *