Lungga ng NPA nakubkob

SORSOGON CITY – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng New People’s Army sa bayan ng Donsol Sorsogon.

Ayon sa pamunuan ng 31st Infantry ‘Charge’ Battalion na nakabase sa Juban, Sorsogon, natunton noong Linggo ang lugar sa Brgy San Francisco sa nasabing bayan.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang kanilang kampo na may nagkukutang mga rebelde sa lugar kung kaya’t agad na nagsagawa ng combat operations ang tropa katuwang ang 903 Division Reconnaissance Company (DRC) at mga Intel operatives sa nasabing barangay.

Ang lugar ay kinabibilangan ng 25 kubo na puwedeng pagkakutaan ng humigit-kumulang 40 rebelde.

Nasamsam din sa lugar ang 11/2 sakong bigas, 8 tray ng itlog, isang sako ng kamote, isang kahon ng kape, kalahating kahon ng noodles, kalahating sako ng sibuyas, 3 litro ng mantika, 15 thermos, 10 kahon ng katol, 20 metros na wire at isang sako na may laman na mga war paraphernalias, dokumentos at mga babasahin.

Patuloy pa ang pagtugis ng militar sa mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *