Lungsod ng Legazpi at bayan ng Daraga sa Albay, sinuspende na ang klase dahil kay Tropical Storm ‘Agaton’

Nagpalabas ng anunsyo ang alkalde ng lungsod ng Legazpi at sa bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay may kinalaman sa tropical strorm ‘Agaton’

Ayon sa pahayag ni Mayor Noel Rosal, epektibo ngayong araw alas-6 ng umaga suspendido na ang klase dahil sa malakas na buhos ng ulan simula pa noong nakaraang lingo.

Dagdag pa rito, ganun din ang alkalde sa bayan ng Daraga na si Mayor Victor Perete na nagpalabas na rin ng anunsyo may kinalaman sa suspension ng klase sa nasabing bayan.

Matatandaan, na inanunsyo ng PAG-ASA ang inaasahang malakas na buhos ng ulan ngayong araw dala ng nasabing tropical storm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *