Lungsod ng Manila, tiniyak na hindi mamomrobelma sa permit at mga pulis ang lahat ng mga community pantry organizers

Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga community pantry organizers na hindi sila gagambalahin ng mga pulis sa lungsod.

Ipinag-utos na rin ni Moreno sa Manila Police District (MPD) na payagan na malayang makapag-operate ang lahat ng community pantries.Iginiit rin ng alkalde na hindi ire-require ng lokal na pamahalaan ang special permits para makapag-operate ang mga community pantries.

Binigyang diin ni Moreno na ito ngayon ang polisiya ng Maynila kung saan ay hindi na kailangan ng permit para gumawa ng kabutihan ang mga tao.Ipinunto ng alkalde na kusang ginagawa ang kabutihan may nakatingin man o wala katulad ng ginawa ni Ana Patricia Non na nagtayo sa kauna-unahang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City.

Samantala, inihayag rin ni Moreno na hindi pagbabawalan ng lungsod na mag-operate ang mga community pantries sa kondisyon na susunod ang mga ito sa minimum health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *