Lungsod ng QC, iwe-‘waive’ ang rental fee ng mga retailers na apektado ng price cap

Naniniwala si Mayor Joy Belmonte na may maitutulong ang gobyerno sa pagpapagaan ng bigat na parusa na nararanasan ng mga rice retailers dahil sa ipinatupad na price cap.

Kaugnay nito, ibinahagi niyang handa ang lungsod ng Quezon City na mag-waive ng rental fee, magpaabot ng ayuda at maging diskwento sa mga ito upang makagawa ng “win-win solution” sa pagitan ng mga mamimili at nagtitinda.

Kung maalala, sa ilalim ng Executive Order No. 39 na nilabas ng pangulo, ang mandatong price cap para sa regular-milled rice ay P41 per kilo habang P45 naman sa well-milled rice.

Kaugnay nito, nagsagawa na rin kahapon ang ilang ahensya at LGU sa Maynila ng pagbisita sa mga palengke, warehouse at storage area ng mga rice retailers upang matiyak na maiiwasan ang hoarding, profiteering at iba pang illegal na gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *