Luzonwide Higher Education Press Conference 2024, isinagawa sa Naga City; Mahigit 800 na Campus Journalist sa Luzon, nakiisa

NAGA CITY – Makalipas ang limang taon na pagkakatigil dahil sa pandemya, isinagawa nang muli ang Luzonwide Higher Education Press Conference. Sa lungsod ng Naga, nasa mahigit walong daan at limampung mga kalahok partikular na ng mga campus journalist mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at  Cordillera.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga binigyang-diin ni Dr. Claribelle Haber, ang conference chair ng Association of Luzonwide Tertiary Press Advisers ang mahalagang papel ng mga campus journalist bilang tagapagtaguyod ng katotohanan at mahahalagang impormasyong dapat malaman ng publiko.

Ayon naman kay Bryan Domanico, isang editorial writer at isa sa mga kalahok mula pa sa probinsya ng Sorsogon, bagaman may kaba, maganda ang kanyang naging nakaranasan sa tatlong araw na kompetisyon dahil bukod sa nabigyan siya ng pagkakataon na makihalubilo sa mga kapwa mamamahayag ay marami rin siyang natutuhan.

Ngayong araw, opisyal nang magtatapos ang nasabing aktibidad kasabay ng awarding ceremony para bigyan ng pagkilala ang mga nanalong kalahok sa Newswriting, Photojournalism, Layouting at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *