Top Stories

Lyceum Northwestern University grad, Top 1 sa pharmacist licensure exam

Nanguna sa pharmacist licensure examination, ang graduate ng Lyceum Northwestern University sa Dagupan City.

Si Angelo Proceso Feliciano Zarate ay nakakuha ng rating na 90.70 percent, ang pinakamataas mula sa 1,168 na kumuha ng eksaminasyon ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 674 lang mula sa 1,168 examinees ang nakapasa sa exam.

Si Zarate ay sinundan ni Anna Teresa Galian mula sa University of Santo Tomas (89.95 percent), Romvhinz Villena Hilbero ng Universidad de Zamboanga-Pagadian (89.33 percent), Janella Amiril Jalal mula sa Centro Escolar University (89.22 percent), at Cheyenne Judy Serbia Dublada mula naman sa Liceo de Cagayan University (88.75 percent).

Kasama rin sa listahan ng mga topnotcher sina Genevive Campomanes Boniao mula sa Southwestern University (88.70 percent), John Miguel Peralta Nicolas mula sa University of Santo Tomas (88.45 percent), Celine Arbolonio Altamia ng University of San Agustin (88.40 percent), Hamidah Alug Usman ng Liceo de Cagayan University (87.97 percent), at Tracy Marie Porlares Mendoza ng Universidad de Zamboanga (87.90 percent).

Samantala, nag-abiso naman ang PRC na mula May 24 hanggang May 28, 2021, ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration ay gagawin online, sa pamamagitan ng www.prc.gov.ph

BNFM National

Recent Posts

269,100 milliliters sa dugo, nakolekta sa BNFM Butuan

Daghang bag sa dugo ang makolekta kun ang tanan magpakabana, molambigit, ug magpakuha sa kaugalingong…

30 mins ago

Ex-convict gidakdaka’g bato ug gidunggab patay

Patay ng napalgan ang usa ka exconvict nga nag buy-od sa yuta alas 11:50 kagabii…

59 mins ago

Ex-convict gipusil-patay samtang natulog sa e-bike

Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…

2 hours ago

DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…

2 hours ago

DA – wi-nelcome ang pag-certify as urgent ni PBBM sa RTL

Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…

2 hours ago

COMELEC: malapit nang malampasan ang target na bilang ng nagpa-rehistrong bontante

Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na malalampasan nito ang projection na 3 milyong bagong…

2 hours ago