Maagang pagpaparehistro, panawagan ng COMELEC-Magarao sa publiko

CAMARINES SUR- Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) Magarao ang publiko na habang maaga pa ay magparehistro na para sa paparating na 2025 Midterm National and Local Election.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Gino Ricafort, COMELEC Officer III ng Magarao, Camarines Sur, napag-alaman na isa sa mga nagiging problema nila ngayon ay ang kaunting bilang ng mga nagpaparehistro araw-araw. Aniya, hindi lalampas sa sampung tao lamang ang pumupunta sa kanilang opisina sa araw-araw nilang transaksyon.

Bagamat patuloy na isinasagawa ang Register Anywhere Program at paglagay ng mga satellite registrations, panawagan ng opisyal na kung maaari ay huwag pairalin ang nakaugalian ng “saka na lang” o ang pagpaliban ng isang gawain upang maiwasan na rin na maging crowded sa opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *