Maayos na pagkonsumo ng kuryente sa lahat ng opisina ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na maging masinop sa paggamit ng kuryente sa lahat ng opisina ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa administrative order no. 15 na inilabas ng Palasyo ng Malacañang at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na ipatupad ang Government Energy Management Program o GEMP, at iimplementa ang mga relevant resolutions ng Inter Agency-Energy and Efficiency Conservation Committee.

Pinabubuo rin ng monitoring, evaluation at communication na magiging mekanismo para sa monitoring ng energy consumption sa kani-kanilang opisina.

Ang GEMP ay programa ng pamahalaan na naglalayong bawasan ang buwanang konsumo ng gobyerno sa kuryente at produktong petrolyo sa pamamagitan ng mahusay na pag gamit at pagtitipid ng enerhiya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *