Maayos na supply ng kuryente sa Albay, titiyakin sa gitna ng nalalapit na month-long celebration ng Magayon Festival 2024

LEGAZPI ITY – Titiyakin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na magiging maayos ang supply ng kuryente sa nalalapit na month-long celebration ng Magayon Festival 2024 kung saan nakatakda itong mangyari sa buong buwan ng Mayo.

Kasunod din ito ng mga alalahanin ng ilang mga organizers ng mga aktibidad na nakalatag para sa nasabing festival, kung saan kapansin-pansin ang ilang araw na power interruption sa lalawigan.

Dahil dito, makikipagpulong umano si Albay Governor Atty. Edcel Greco Lagman sa Albay Electric Cooperative (ALECO) upang masigurong maayos ang magiging supply ng kuryente para sa mga nakalatag na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *