Maayos na usapan ng Mataas at Mababang Kapulunga, inaasahan ng isang mambabatas

Iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na dahil sa hinahangad na ng House of Representatives na mapabuti ang lagay ng ekonomiya ng bansa, binatikos pa sila ng iba’t ibang akusasyon mula sa ilang mga senador.

Ayon kay Barbers, gumawa ang Kamara ng mga hakbang para amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon upang maging mas investor-friendy at globally competitive ang Pilipinas.

Dahil aniya rito, naharap sila sa mga akusasyon ng Senado.

Nabalot umano sila ng mga paratang ng maling paggamit ng government resources dahil sa suportang ipinakita ng mga Kongresista sa People’s initiative.

Sa huli, nanawagan si Barbers para sa pagbabalik ng maayos na dayalogo ng Mataas at Mababang Kapulungan at pagsunod sa parliamentary courtesy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *